Home OPINION DO YOU BELIEVE YOUR COUSIN IS INNOCENT, MR. PRESIDENT?

DO YOU BELIEVE YOUR COUSIN IS INNOCENT, MR. PRESIDENT?

351
0

BILANG isang abogado, malinaw sa akin ang bigat ng bawat salita ng Pangulo, lalo na sa usaping may kinalaman sa flood control scandal. Nang tanungin si Presidente Bongbong Marcos kung bakit tila pagong ang usad ng imbestigasyon, ang sagot niya: kailangan daw ng malakas na ebidensiya laban sa mga sangkot. Ayon pa sa kanya, “I’d rather be Right than Quick.”

Walang abogado ang tutol sa pangangailangan ng ebidensya. Ngunit heto ang mas mabigat: sinabi rin mismo ng Pangulo na “alam naman natin kung sino sila.” Bilang isang practitioner, kapag sinabi ng isang principal actor na “alam na natin,” nagbubukas ito ng mas seryosong tanong: Kung kilala mo na, Mr. President, bakit mabagal pa rin ang aksyon?

At dito pumapasok ang pinakapinipigil na usapin — ang pangalan ng pinsan mo, dating Speaker Martin Romualdez.

Nang tanungin kung bakit wala pa siya sa listahan ng kakasuhan, sinabi mo na “minsan lang nabanggit ang pangalan niya sa Senado” at “wala pang ebidensya.” Pero agad mong ibinilin na he is not yet safe.

Kung gayon, Mr. President, papaano ito nagtatagpo sa sinabi mong “alam mo na kung sino ang mga sangkot”?
Isa ba si Romualdez sa “kilala mo”?
At ang kulang na lamang ay ang “resibo” para makasuhan siya?

O mas naniniwala ka ba sa linya ng Ombudsman na “gross negligence” lang ang posibleng pananagutan niya?
O talagang kumbinsido kang inosente ang pinsan mo — kaya hindi mo masabi nang diretso dahil magiging kapansin-pansin ang pagtatanggol?

Sa batas, truth is established through evidence. Pero bilang abogado, alam ko ring hindi lahat ng katotohanan ay nahuhuli sa papel at pirma.

Sometimes, Mr. President, you cannot establish the truth by the rules of evidence. But you can determine a lie by using your common sense.

At iyan ang hinihingi ng publiko:
Hindi special treatment.
Hindi legal gymnastics.
Kundi common sense fairness — na walang exemption sa pananagutan, kahit pa kamag-anak, kahit pa malapit sa kapangyarihan.

Kung tunay nating nais na maging “right,” dapat pantay-pantay ang pagharap sa batas.
At ang tanong ay nananatili:
Do you believe your cousin is innocent, Mr. President?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here