Home HOME BANNER STORY Timing ng mga video ni Co, kinwestyon ni De Lima

Timing ng mga video ni Co, kinwestyon ni De Lima

257
0

MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Mamamayang Liberal party-list Representative at House Deputy Minority Leader Leila de Lima ang timing ng paglalabas ni dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co ng mga video bago ang inaabangang tatlong araw na rally for accountability sa flood control projects ng Iglesia ni Cristo (INC).

“‘Yung timing sa akin ay suspect,” ani De Lima nitong Sabado, Nobyembre 15.

“Ang hindi natin maiwasan isipin is ‘yung timing, dahil nga may mga plano na malawakan na mga kilos protesta,” dagdag ng mambabatas.

Nakatakdang magdaos ang INC ng rally sa Quirino Grandstand sa Maynila mula Nobyembre 16 hanggang 18. Inaasahan ding idaraos ang kilos-protesta ng iba pang mga grupo.

Sinabi ng religious group na “the rally for transparency, accountability, justice, and peace” ay nakatakdang ipakita ang galit ng publiko at panawagan para sa tama at transparent na imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects at iba pang climate-tagged projects “where over a trillion pesos were estimated to have been lost due to corruption since 2023.”

Nilinaw din ni INC spokesperson at Minister of the Gospel Bro. Edwil Zabala na hindi layon ng pagtitipon na makialam sa usaping politika.

Dalawang araw bago ang rally, lumabas ang recorded video ni Co na nagsasabing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umano ang nag-utos sa kanya na ipasok ang P100 bilyong halaga ng proyekto sa pamamagitan ng bicameral conference committee.

Sa ikalawang bahagi ng video ng umano’y tell-all video na inilabas naman nitong Sabado, sinabi ni Co na siya at ang mga miyembro ng kanyang mga staff at security guard ay naghahatid ng mga maleta na naglalaman ng pera kay Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Itinanggi naman ng Pangulo ang alegasyon ni Co.

Samantala, nanawagan si De Lima sa publiko na maging mapagmatyag at suriin muna ang “bombshell” expose ni Co.

“We have to look at it, you know, deeper… What is critical here is that if they would be able to convince enough forces, enough elements, of the military, of the AFP, to join those calls either for the resignation or the ouster of the President,” anang mambabatas.

Iginiit din nito ang panawagan niyang bumalik na si Co sa bansa.

“Unless and until mag-swear sila, mag-under oath ang kaniyang testimony, at under oath din ‘yung kanilang mga statements, at backed up by evidence… wala pong probative value, mga kwento-kwento pa lang ‘yan… pero hindi po ibig-sabihin niyan, balewalain na lang natin,” sinabi pa ni De Lima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here