Home NATIONWIDE Flood control projects sa Cebu iinspeksyunin ng ICI ngayong araw

Flood control projects sa Cebu iinspeksyunin ng ICI ngayong araw

281
0

MANILA, Philippines – Iinspeksyunin ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) special adviser Rodolfo Azurin Jr. ang flood control projects sa Cebu nitong Linggo, Nobyembre 16 kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng komisyon sa maanomalyang infrastructure projects sa buong bansa.

Sa abiso nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 15, sianbi ng ICI na ang mga iinspeksyuning site sa Cebu ay matatagpuan sa Mandaue City, Liloan, Talisay City, at Cebu City.

Isasagawa ang pag-iinspeksyon sa pakikipag-ugnayan kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Arthur Bisnar.

Nitong Huwebes, ininspeksyon nina Azurin at Bisnar ang flood control projects sa apat na site sa Ilocos Norte, kung saan wala umanong “ghost” projects ang natagpuan dito.

Sa kabila nito, iimbestigahan ng ICI at mga opisyal ng DPWH kung may “substandard” projects sa flood control sites.

Kamakailan ay sinabi ni Azurin na prayoridad ng ICI na imbestigahan ang 80 proyekto sangkot ang top 15 contractors na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang 80 proyekto ay bahagi ng 421 flood control projects na tinukoy ni DPWH Secretary Vince Dizon bilang “ghost” projects. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here