Home NATIONWIDE AFP naka-alerto sa gitna ng protesta laban sa korapsyon

AFP naka-alerto sa gitna ng protesta laban sa korapsyon

265
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-alerto sila para sa anumang biglaang insidente na maaaring mangyari sa serye ng anti-corruption protests na isasagawa at isinasagawa ng iba’t ibang grupo.

“Kailangan alerto pa rin tayo. Hindi naman puwedeng tanggalin sa equation na maaaring may ibang agenda na puwedeng gamitin itong mga pagkakataong ito para isingit ang kanilang interes,” ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Padilla sa isang panayam.

Naka-iskedyul ang Religious group Iglesia Ni Cristo (INC) at iba pang grupo na magdaos ng rally, araw ng Linggo para manawagan ng transparency at mas maayos na pamamalakad sa gitna ng korapsyon na sumingaw mula sa flood control projects.

Ang INC ay magkakaroon ng tatlong araw na rally na magsisimula ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18 sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Maynila.

Habang ang United People’s Initiative Fighting Corruption, ang grupo ng mga retired generals, ay magsasagawa naman ng rally sa EDSA People Power Monument, araw ng Linggo.

May mga grupo ng mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang magdaraos naman ng Martsa ng Kalayaan, Linggo ng tanghali.

Samantala, may panibagong grupo naman ang magsasagawa ng Takbo Laban sa Kurakot, isang running event sa loob ng campus ng University of the Philippines-Diliman mula alas- 6 hanggang 10 a.m., araw ng Linggo.

Muling inulit naman ng AFP na ang troops ay naka-standby para i-assist ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.

“Augmenting naman kami lagi. We support them in terms of implementing itong peace and order sa mga ganitong pagkakataon,” ayon kay Padilla.

Winika pa ni Padilla na bina-validate pang mabuti ng AFP ang ulat na may mga dating military officials ang di umano’y sangkot sa sinasabing destabilization plot laban sa administrasyong Marcos.

“Ang AFP has evolved to be a professional, disciplined, and non-partisan na institusyon,” ang pahayag ni Padilla.

“Lagi nating inuuna ay ang ating Konstitusyon at taumbayan at hindi ang any political agenda. Hindi kami nagpapatinag dito sa gulo at ingay ng pulitika,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here