Home METRO Pekeng P1,000 bill kinakalat sa Bulacan

Pekeng P1,000 bill kinakalat sa Bulacan

273
0

BULACAN, Philippines – Pinag-iingat ng ilang store owner sa bayan ng Guiguinto ang iba pang tindahan o establisimento upang hindi mabiktima ng lalaking nagkakalat ng pekeng P1.000 bill.

Ayon sa facebook post na nagviral noong Biyernes, Nobyembre 14, isang lalaki ang pumasok sa isang Pizza House bandang 2:41 ng hapon at umorder ng milk tea.

Nagtanong umano ang lalaki sa staff ng store kung may panukli sa P1,000 na sumagot naman ito na mayroon.

Hanggang sa nagbayad ito ng P1,000 at sinuklian ng staff ng P900 dahil P100 lamang ang milk tea sa naturang Pizza House.

Pagkabayad ay umupo lang saglit ang lalaki hanggang sa nagpaalam na may bibilin lang sa labas subalit isang oras ang lumipas ay hindi na ito bumalik.

Agad nagduda ang staff at ang may-ari kaya dali-daling sinuri nila ito sa money detector at nalamang peke nga ito kalaunan.

Sa isang banda, nakunan naman ng CCTV ang lalaking pumasok sa kanilang tindahan at kasalukuyang nakapost na ito for awareness sa iba pang business owners.

Kaugnay nito, may viral post na rin ang iba pang biktima at ilang mga netizen din sa karatig lugar ang nagsabing nabiktima na rin sila ng modus ng nasabing lalaki ng araw na iyon.

Dahil dito, nanawagan ang mga biktima sa iba pang tindahan na mag-ingat sa lalaking nagbabayad ng pekeng pera na nais nillang mahuli ng mga awtoridad. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here