Home ENTERTAINMENT Dayanara at R’Bonney, mga hosts sa MU!

Dayanara at R’Bonney, mga hosts sa MU!

276
0

Magsisilbing commentary hosts ang dalawang past Miss Universe winners sa 74th edition ng nasabing pandaigdigang timpalak na

gaganapin sa Thailand sa November 21.

Ito’y sina Dayanara Torres ng Puerto Rico, Miss Universe 1994 at R’Bonney Gabriel, MU 2022.

Ang ika-74 MU ay idaraos sa Impact Challenger Hall sa Pak Kret, Nonthaburi.

Kapwa inamin nina Torres at Gabriel na: “We can’t wait!”

Following her victory sa MU na ginanap sa bansa, naging host si Torres ng ASAP, isang Sunday variety show sa ABS-CBN.

Itinuturing niyang ikalawang tahanan ang Pilipinas, even greeting ASAP on its 30th anniversary.

Ito raw ang humubog ng kanyang career sa bansa “and has also touched my heart.”

Nakagawa rin ng pelikula dito ang Puerto Rican beauty.

Si Gabriel naman na half-Filipino ay naka-base sa Maynila at New York bilang designer at host.

Nitong August, ni-launch niya ang kanyang collection dito na “How to Survive on Land and Sea” sa Bench Fashion Week.

Pinaghalo ni Gabriel ang mga swimwear at beachwear elements kung saan mula sa Siargao ang mga nakuha niyang shells, ang iba’y mula sa Bench at ukay-ukay which she had upcycled.

Ang ating kinatawan na si Ahtisa Manalo mula sa Quezon Province ay inaasahang makakapag-uwi ng ikalimang Miss Universe crown. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here