Home HOME BANNER STORY Bersamin, Pangandaman nagbitiw sa pwesto

Bersamin, Pangandaman nagbitiw sa pwesto

285
0

MANILA, Philippines – PORMAL na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw sa puwesto nina Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Budget Secretary Amena Pangandaman.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kapuwa magalang na nagsumite ng kani-kanilang resignation letter ang mga ito, ‘out of delicadesa’ matapos na mabanggit ang kani-kanilang mga departamento sa alegasyon kaugnay sa flood control anomaly na kasalukuyang nasa ilalim ng masusing imbestigasyon at pagkilala ng responsibilidad para pahintulutan ang administrasyon na tugunan ng maayos ang usapin.

Ipinaabot naman ng Pangulo ang kanyang malalim na pagpapahalaga kay Executive Secretary Bersamin para sa kanyang ‘steady leadership’ sa Office of the Executive Secretary.

Bitbit ni dating Chief Justice, E.S. Bersamin sa Malakanyang ang dekada ng ‘legal wisdom, calm stewardship, at deep respect for institution building.’

Ang kanyang naging ambag ay nananatiling bahagi ng pundasyon na kung saan patuloy na nakatayo ang reporma.

Gayundin, ipinaabot ng Malakanyang ang kanyang taus-pusong pasasalamat kay Secretary Pangandaman kung saan ang trabaho sa DBM ay nagpalakas sa fiscal management ng gobyerno, ginabayan ang napapanahong pagpapasa ng national budgets, at pagtiyak na ang social programs at frontline services ay napondohan at maayos na naihatid.

At upang masiguro na magpapatuloy at maipatutupad ang governance agenda ng administrasyon, itinalaga ni Pangulong Marcos si Department of Finance Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary.

“Secretary Recto’s long record in economic policymaking, fiscal legislation,and national planning positions positions him well to oversee the day-to-day operations of government and coordinate the implementation of high-impact programs,” ayon kay Castro.

Itinalaga naman ng Pangulo si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, bilang bagong Secretary of Finance.

“Secretary Go has played a central role in advancing investments, strengthening investor confidence, and aligning economic initiatives across agencies. He will now oversee the country’s fiscal direction and the implementation of the administration’s economic agenda,” ang pahayag ni Castro.

Sa kabilang dako, ang Department of Budget and Management ay pangungunahan naman ni Undersecretary Rolando U. Toledo, na itinalaga bilang officer in charge. Bilang pinuno ng Budget Preparation and Execution Group, si OIC Toledo ay may dalang ‘extensive technical expertise’ sa national budgeting, fiscal transparency, at budget execution.

Ang pagkakatalaga kay Toledo ay pagtiyak ng ‘uninterrupted operations’ habang naghahanda ang gobyerno para sa pag-rollout ng budget para sa susunod na taon, nagpapatuloy na recovery efforts sa disaster-affected regions, at ang nagpapatuloy na pagpopondo sa social at economic programs.

“These leadership changes reinforce the President’s commitment to strengthening institutions, improving coordination across government, and keeping the administration focused on delivering stability, opportunity, and security to Filipino families,” ang sinabi pa ni Castro.

Samantala, tiniyak naman ng Office of the President sa publiko na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay magpapatuloy ang operasyon nang walang pagkaantala at may kahalintulad na pangako na epektibong pamamahala at pampulikong serbisyo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here