Home METRO Kapitan nakaligtas sa pamamaril sa Nueva Ecija

Kapitan nakaligtas sa pamamaril sa Nueva Ecija

296
0

MANILA, Philippines – Nakaligtas sa tangkang pamamaril si Barangay Captain Domingo De Dios ng Barangay Cabu, Cabanatuan City, Nueva Ecija matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo na naka-face cover gabi ng Nobyembre 15, 2025.

Habang tinatahak ng kapitan ang Magallanes Street gamit ang kanyang itim na sasakyan, bigla umanong lumapit ang mga suspek at nagpaputok nang sunod-sunod.

Mabilis na tumakas ang mga ito matapos ang insidente.

Nagawa namang makalayo ng kapitan at nagtungo sa Cabu National High School upang makaiwas sa karagdagang panganib.

Samantala, isang sibilyan ang nadamay at tinamaan ng ligaw na bala. Agad itong naisugod sa pagamutan para sa agarang lunas.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP Cabanatuan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at tukuyin ang motibo sa likod ng pamamaril.

Bilang tugon sa insidente, nagsagawa ang General Natividad Police Station ng malawakang Oplan Bakod sa Barangay Bravo, General Mamerto Natividad, Nueva Ecija sa parehong gabi.

Layunin ng operasyon na mahinto at masuri ang mga motorista, lalo na ang mga sakay ng motorsiklo, upang maiwasan ang posibleng paglipat ng mga suspek at mapanatili ang seguridad sa lugar.

Pinangunahan ang operasyon sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Angelito A. Manalastas, at patuloy ang mahigpit na police visibility at patrolya sa mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. ELSA NAVALLO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here