Home NATIONWIDE PBBM nahaharap sa ‘profound crisis of confidence’- VP Sara

PBBM nahaharap sa ‘profound crisis of confidence’- VP Sara

316
0

MANILA, Philippines – NAHAHARAP si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa “profound crisis of confidence” kaugnay sa umano’y korapsyon at mismanagement na labis na nakaaapekto sa kanyang administrasyon.

Sa isang video statement, sinabi ni VP Sara na naiintindihan niya ang galit ng milyon-milyong Filipino at nanindigan sa kanilang demand sa gobyerno na ‘transparency at accountability.’

“The President now faces a profound crisis of confidence, especially in the way these corruption investigations are being handled, which appear to lack both direction and result,” ayon kay VP Sara.

“We also seek clear answers on how a budget that deprived Filipinos of billions and billions of pesos was approved under his watch,” aniya pa rin.

Ang pahayag na ito ng BIse-Presidente ay sa gitna ng sigaw ng publiko ukol sa corruption scandals sangkot ang public works, kabilang na ang kamakailan lamang na alegasyon na hinangad ng Pangulo na magsingit ng P100 billion na pondo sa 2025 national budget na para sa iba ay ‘bukal’ ng kickbacks.

“Kaisa ako ng milyong milyong Pilipinong na dismaya at nandidiri sa pamahalaang lulong sa insekuridad at walang kabusogang kasakiman,” ang sinabi ni VP Sara, tinukoy ang nagpapatuloy na protesta para sa transparency at accountability sa pangunguna ng Iglesia Ni Cristo (INC).

“Ang karapatan nating magsalita at magpahayag ang sandigan ng demokrasya. Dapat itong pakinggan ng pamahalaan,” aniya pa rin.

Winika pa ni VP Sara na personal niyang nasaksihan ang pagpapalihis sa pondo ng Department of Education (DepEd) funds na nakalaan para tugunan ang kakapusan ng silid-aralan, subalit di umano’y naging political pork at ipinamahagi sa mga mambabatas na malapit sa makapangyarihang pigura.

“Instead of following the DepEd’s list to make up for the lack of classrooms, the funds were made into a pork barrel for the Filipino youth,” anito.

Sinabi pa niya na nagbitiw siya bilang Kalihim ng DepEd dahil tumanggi siya na maging bahagi ng panloloko sa mga tao at sinabing ang impeachment charges na isinampa laban sa kanya ay naglalayon na guluhin ang umano’y manipulasyon sa 2025 budget. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here