Home NATIONWIDE Visayas power grid, nasa yellow alert

Visayas power grid, nasa yellow alert

263
0

VISAYAS — Nasa yellow alert ang Visayas power grid sa Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, mula 3 p.m. hanggang 8 p.m., ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ang alerto ay dahil sa kakulangan ng ilang planta ng kuryente, kabilang ang TVI 1 at 2 (169 MW bawat isa) at ang emergency shutdown ng LGPP 3 (bawas mula 79.5 MW hanggang 39.3 MW).

Umabot sa 898.6 MW ang hindi magagamit na kapasidad, kaya kulang ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng grid.

Sa kasalukuyan, may 2,694 MW na available capacity ang Visayas grid laban sa peak demand na 11,829 MW.

Samantala, ang Luzon at Mindanao grids ay nasa normal na kondisyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here