Home NATIONWIDE Kampo ni Zaldy Co ‘di na nasurpresa sa paghahain ng kaso ng...

Kampo ni Zaldy Co ‘di na nasurpresa sa paghahain ng kaso ng Ombudsman

280
0

MANILA, Philippines – Hindi na nagulat ang kampo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa hakbang ng Office of the Ombudsman na maghain ng mga reklamong graft at malversation laban sa dating mambabatas.

Iginigiit ng kampo ni Co na nahusgahan na agad ang usapin mula pa lamang nang lumutang ang kontrobersiya sa flood control projects.

Sinita rin ng legal counsel ni Co na si Atty. Ruy Rondain ang timing ng hakbang ng Ombudsman.

“We’re not surprised. He decided to file these cases as soon as the issue blew up. Like I said, the Ombudsman pre-judged this on Day 1,” ani Rondain.

Dalawang linggo ang nakalilipas, nagpahayag din ng kaparehong pangamba si Rondain sa pagsasabing na-prejudge na ng Ombudsman ang kaso laban sa kanyang kliyente.

Ito ay nag-ugat sa plano ng anti-graft body na maghain ng mga kaso “by November 25” na sinabi ni Rondain na posibleng may desisyon na ang Ombudsman bago pa lamang tumugon si Co sa mga alegasyon.

Ang mga kaso laban kay Co ay inihain ilang araw matapos akusahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez na nagkaroon umano ng kwestyonableng insertion sa 2025 national budget. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here