Manila, Philippines – It’s a matter of being both assertive and honest.
Ito ang nagsisilbing panuntunan sa buhay ni Ellen Adarna kaya raw hindi niya iniinda ang sinapit ng pagsasama nila ng asawang si Derek Ramsey.
Kalat na kalat na kasina hiwalay na sila.
Ayon sa tsika, ang culprit ay third party sa side ni Derek.
Diumano, nahuli raw ng retired actress si Derek hitting on some other woman.
Nahuli raw ito ni Ellen sa pamamagitan ng cellphone ni Derek–that serves as her solid piece of evidence.
Kung inaakala raw ng publiko na sobrang devastated daw si Ellen ay hindi.
Tumimo raw kasi sa isip nito ang payo ng kanyang yumaong ama.
That is, okey lang daw na walang asawa–basta may anak.
Isang bukas na aklat na sa publiko ang pagkakaroon ni Ellen ng dalawang anak.
Ellen–sa kabila ng magkakaibang tatay nina Elias at Baby Liana–takes pride in the fact that even without her kids’ respective dads ay kaya niyang buhayin ang mga ito.
On top of this, masasabing vanity gets the better of Ellen.
Asserting herself all the more boosts her self-confidence.
Katwiran niya: “Maganda ako para maghabol sa lalaki!”
In fairness, Ellen is just being honest.
Still, marami pa rin ang nanghihinayang kung totoo ngang imposible nang maisalba ang pagsasama nila ni Derek.
Just when the public thought na natagpuan na ni Ellen ang kanyang life partner–tsk, tsk, tsk–hindi pa pala. Ronnie Carrasco III