Home HOME BANNER STORY Alice Guo guilty sa human trafficking

Alice Guo guilty sa human trafficking

303
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Napatunayang guilty ng korte sa Pasig nitong Huwebes, Nobyembre 20 si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa qualified human trafficking at sinentensyahan ng reclusion perpetua.

Ang impormasyong ito ay ibinahagi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Si Guo na kasalukuyang naka-detain sa Pasig City Jail Female Dormitory ay dumalo sa promulgation online.

Kasabay nito, sinentensyahan din ng Pasig Regional Trial Court Branch 167 ang co-accused ni Guo na sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong.

Ang reclusion perpetua ay isang parusa na ipinapataw sa mga convicted ng krimen sa ilalim ng Revised Penal Code at may parusang pagkakulong ng 20 hanggang 40 taon.

Matapos ang 30 taon, ang convict na sinentensyahan ng reclusion perpetua ay eligible sa pardon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here