Home ENTERTAINMENT Regine, ‘di kinakaya ang migraine, bet tumalon sa bangin!

Regine, ‘di kinakaya ang migraine, bet tumalon sa bangin!

277
0

Manila, Philippines – Grabe palang pagpapahirap kay Regine Velasquez ang kanyang migraine.

Although aminado ang Asia’s Songbird na mataas ang kanyang tolerance sa pain, hindi niya kinakaya ang bouts with migraine.

Treinta’y singko anyos daw siya noong magsimula ito, kaka-menopause lang daw niya.

People might think na ang mga may migraine ay nagdadrama lang.

But in her case, inamin niya na feeling daw niya’y lumuluwa ang mga mata niya sa tindi ng sakit.

Idagdag pa raw ang pakiramdam na parang natatanggal din ang mga ngipin niya.

Wala rin daw sa oras kung umatake ito.

Mabuti pa raw ‘yung simpleng sakit ng ulo, tulog na mahimbing lang ang katapat.

Dumating na nga raw si Regine sa puntong gusto na niyang tumalon sa bangin.

In the past, kinailangan pa niyang dalhin sa emergency room ng ospital dahil baka nagkakaroon siya ng aneurysm.

Regine also needs to undergo MRI or magnetic resonance imaging.

For her case to have reached this far, naiimadyin na namin ang pagdurusa ni Regine sa kanyang migraine which is not a “laughing matter.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here