Manila, Philippines – Sa wakas, natupad na ang pangarap ng nag-iisang anak ni Lea Salonga na maging isang lalaki–at least as far as his chest is concerned.
Nitong November 17, ibinahagi ni Nicole Beverly Chien o Nic sa social media ang resulta ng kanyang breast reconstruction surgery.
Katuparan ito ng matagal nang pangarap ng 19 anyos na anak ng international star.
Kinailangan daw maghintay ni Nic na lubusan nang gumaling ang operasyon para magkalakas-loob na i-flex ang kanyang litrato.
“The healing process was brutal. But worth it!” ayon sa kanyang post.
Dahil dito, hindi na raw niya kailangang magsuot ng binder o matakot sa panghuhusga ng tao.
Makapagsusuot na rin daw siya ng shirtless na damit na aniya’y “most gratifying things ever.”
Bumati pa si Nic ng “happy transgender awareness week, everyone!”
Hindi raw magagawang posible ni Nic ang nasabing procedure kung wala ang suporta ng kanyang mga magulang.
Whatever makes you happy and proud, Nic…the entire LGBTQIA+ is as much happy for you! Ronnie Carrasco III