Home ENTERTAINMENT Netizens, waiting sa reax nina Marya, Dawn, at Isabelle sa exposè ni...

Netizens, waiting sa reax nina Marya, Dawn, at Isabelle sa exposè ni Imee!

359
0

Manila, Philippines – Damay-damay na.

Tila ganito ang direksyon ng patutunguhan ng pasabog ni Senator mee Marcos sa kanyang speech sa ginanap na peace rally sa Quirino Grandstand, ikalawang araw ng kilos protesta kontra korapsyon sa termino ng kanyang kapatid at Pangulong Bongbong Marcos.

Walang takot ngang isiniwalat ni Imee ang tungkol sa paggamit diumank ng droga ni PBBM–bagay na hindi raw lingid sa kaalaman ng Marcos family.

Damay rin si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa alleged drug use.

Kasabay nito ay ibinisto rin ni Imee ang ilang personalidad na malapit kay PBBM na gumagamit din diumano ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga ito’y nasa larangan daw ng pulitika, negosyo at showbiz.

Ang mga nabibilang naman sa non-showbiz ay may kunek sa lokal na aliwan.

But of the names which Imee dropped, tanging si Maricel Soriano lang ang tinukoy niyang diumano’y into drug use.

Kasama umano ang pangalan ng aktres sa listahang hawak ng PDEA noon pang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Timing naman ang pagkakabanggit kay Maricel na kasalukuyang may pelikulang ipinapalabas.

With her name mentioned, hinihintay ang reaksyon niya sa exposè ni Imee.

Ito’y yaman din lang na kilalang prangka ang 60 anyos na aktres.

Bukod kay Maricel, idinamay din ni Imee sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, na asawa ni Dawn Zulueta.

Kabilang din ang yumaong si Bong Daza, dating asawa ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz at ama ng aktres na si Isabelle Daza.

Damay din umano si Tonyboy Floirendo na asawa ni Miss Universe 1973 Margie Moran.

Ano kaya ang reaksyon ng mga ito sa pasabog ni Imee?

Abangan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here