Home NATIONWIDE AFP, mananatiling tapat sa Konstitusyon sa kabila ng panawagang rebolusyon – DND

AFP, mananatiling tapat sa Konstitusyon sa kabila ng panawagang rebolusyon – DND

260
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mananatiling propesyonal at tapat sa kanilang mandato sa Konstitusyon, sa kabila ng panawagan na i-withdraw ang suporta nito sa gobyerno.

“(Sa) Sandatahang Lakas, makasisigurado ang ating mga kababayan, na ang ating sundalo ay professional. Hindi ito kailangan pangaralan. Alam nila ang kanilang misyon, sila ay mapagkakatiwalaan,” ani Teodoro, na binigyang-diin ang 73 porsiyentong trust rating ng AFP batay sa pinakahuling OCTA Research survey.

Paglilinaw ng AFP na ang mga kumander ng pitong pangunahing Combatant Commands—na sumasaklaw sa Luzon, Visayas, Mindanao, at National Capital Region—ay nagkakaisa sa pagpapanatili ng Konstitusyon at awtoridad ng sibilyan.

“In a united declaration, the commanders of the AFP’s Combatant Commands affirmed that the military remains steadfast in its constitutional mandate to uphold the rule of law and ensure full respect for civilian authority,” ayon sa pahayag ng AFP. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here