Home METRO Estudyante sa Iloilo City, nasa kustodiya ng pulisya sa pagkakalat ng bomb...

Estudyante sa Iloilo City, nasa kustodiya ng pulisya sa pagkakalat ng bomb threat

286
0

ILOILO CITY, Philippines – Nasa kustodiya ng pulisya ang isang estudyante ng Fort San Pedro National High School sa Iloilo City matapos umanong mahuli ng isang kaklase ang una sa akto na nagpapasa ng mga mensahe ng bomb threat.

Kinumpirma ng Iloilo City Police na nasa kustodiya ng Iloilo City Police Office-Women and Children Protection Desk ang estudyante noong Nobyembre 20, 2025, at sumailalim sa interogasyon.

Nagbigay ng impormasyon na nagbabahagi ang estudyante ng mga mensahe ng bomb threat gamit ang isang personal na social media account, ang dahilan ng agarang pagkakakilanlan.

Iniimbestigahan na ang posibleng koneksyon ng estudyante sa serye ng bomb threat sa lungsod.

Noong Nobyembre 19, 2025, nakatanggap ng bomb threat ang nasabing paaralan.

Inaalam pa ng pulisya kung may kasabwat ang estudyante sa sirkulasyon ng mga bomb threat.

Nagpatuloy ang serye ng mga banta ng bomba. Noong Nobyembre 20, 2025, nakatanggap ng bomb threat ang ilang paaralan sa Iloilo City.

Kabilang sa mga biktima ng mga bomb threat na ito ay ang mga pampublikong paaralan. Kinondena ng Department of Education (DepEd) Region 6 ang serye ng bomb threat dahil sa posibleng masamang epekto sa mga guro at estudyante. Nakatakdang pangasiwaan ng ahensya ang mga interbensyon.

Bukod dito, nakatanggap ng bomb threat ang West Visayas State University (WVSU) Himamaylan campus sa Barangay Caradio-an pasado alas-9 ng gabi. noong Nobyembre 19, 2025.

Isang guro ang nakatanggap ng bomb threat online. Na-trace na ang social media account ng nagpadala.

Sa Kabankalan City, nakatanggap ng bomb threat ang isang unibersidad.

Ayon sa pulisya, ang dalawang paaralan sa Negros Occidental ay na-clear ng Explosives and Ordnance Division. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here