MANILA, Philippines – Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa namayapang Senate President Juan Ponce Enrile, tinawag niya itong ‘a rare public servant’ na tumangging maging bahagi ng anuman na sa kanyang paniniwala ay kontra sa interest ng bansa.
Sa Eulogy sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Nobyembre 21, inilarawan si Enrile bilang isang ‘statesman’ kung saan ang guiding principle ay simple subalit matibay; humakbang palayo kapag unwavering: dumidistansiya kapag ang kapakanan na ng bansa ang nakataya.
“He would remove himself and say, ‘I do not agree with this… I cannot be part of this,’” ayon sa Pangulo, binigyang diin na hindi kailanman lumampas si Enrile sa ‘personal red line’ sa dekada na nito sa public service.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi na makakakita ang Pilipinas ng isang katulad ni Enrile na may kombinasyon ng talino, karanasan at national devotion.
Isiniwalat naman ni Pangulong Marcos na si Enrile ay hindi 100 taong gulang sa panahon ng kanyang centennial celebration noong nakaraang taon kundi 103 — natuklasan lamang matapos na lumutang ang kanyang wartime documents.
“This man was 103 years old, which is even more remarkable,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, inalala ang joke ni Enrile na maaari pa siyang mas matanda dahil ang kanyang record ay nawala sa panahon ng giyera.
Tinawag naman ng Pangulo si Enrile na “old school,” pinuri ang kanyang pagiging disiplinado, kaangkupan, at dedikasyon sa bawat trabaho, mula sa high-stakes government decisions pababa sa mga birthday party ng mga batang kanyang dinaluhan.
Ani Pangulo, “Tito Johnny” ang tawag niya kay Enrile, isang mentor at longtime adviser sa kanya at sa kanyang namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na si Enrile ay nananatiling tapat sa pamilya Marcos, may krisis man o sa transisyon, at patuloy na nag-aalok at nagbibigay ng gabay sa kanyang mga huling taon.
“Thank you for everything that you have done for me, for my family, and even in the time of my dad,” ang sinabi ng Chief Executive.
Sa kabilang dako, binigyang diin naman ng Pangulo ang ‘exceptional career’ ni Enrile, nagsilbi sa ilang pinakamahalagang posisyon sa ehekutibo, lehislatura at maging sa hudikaturang sangay ng pamahalaan. Bago pa ang kanyang pagpanaw, nagsilbi si Enrile bilang chief presidential legal counsel ni Pangulong Marcos.
Ang impluwensiya aniya ni Enrile ay humubog sa mga pangunahing polisiya at institusyon, subalit ang kanyang identity ay nananatiling naka-ugat sa tinatawag na “national servant.”
“He was devoted to his work, he was devoted to his family, he was devoted to the country. And there is no higher praise that I can make of anyone that I know who has served in government, who has served the country,” ayon sa Pangulo.
“There is no greater praise for anyone than to say that he lived, he was willing to die, he was willing to bleed for the country. And that’s what we will miss. Perhaps we don’t find so many of those people anymore,” dagdag na wika nito.
Bagama’t ang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang ay taimtim, inilarawan naman ni Pangulong Marcos ang moment na iyon bilang pasasalamat para sa buhay na ganap na naglingkod sa sambayanang filipino.
Sinabi pa niya na bahagyang inaasahan niya na babangon si Enrile habang nagmimisa at itama ang “some detail in the law,” isang ugali na hindi kailanman inabandona ng isang estadista.
“Goodbye, Tito Johnny… We will never forget you,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, pagtatapos ng kanyang eulogy na may personal farewell sa ‘longest-serving political figure’ ng bansa. (KRIS JOSE)