Home METRO Backhoe operator, utas sa clearing ops ng ilog sa NegOcc

Backhoe operator, utas sa clearing ops ng ilog sa NegOcc

268
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Isang 49-anyos na backhoe operator ang nalunod matapos tumaob ang heavy equipment na kanyang ginagamit sa clearing operations sa reclamation area sa Barangay 1, Hinigaran, Negros Occidental noong Biyernes, Nob. 21.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Harvey, ng Barangay Miranda, Hinigaran.

Ayon sa imbestigasyon, nag-ooperate ng amphibious backhoe ang biktima na pag-aari ng municipal government nang aksidente itong lumubog dakong alas-8 ng umaga.

Sinabi ni Police Lt. Col. Jovil Sedel, hepe ng Hinigaran police, dahil masyadong malambot ang lupa, tumagilid umano ito sa kaliwang bahagi hanggang sa tumaob.

Ang insidente ay iniulat sa mga awtoridad alas-9:25 ng umaga at ang driver ay na-extract makalipas ang halos isang oras.

Idineklara siyang patay sa isang ospital, ayon sa pulisya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here