Home NATIONWIDE Ika-5 obispo ng San Jose de Nueva Ecija, itinalaga ni Pope Leo...

Ika-5 obispo ng San Jose de Nueva Ecija, itinalaga ni Pope Leo XIV

299
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Samuel Agcaracar bilang ikalimang obispo ng diyosesis ng San Jose de Nueva Ecija.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News noong Biyernes, ang bagong obispo ay hahalili kay Bishop Roberto Mallari, na ngayon ay nangangasiwa sa Diocese ng Tarlac.

Bago ang paghirang sa 55-taong gulang na si Agcaracar mula sa Societas Verbi Divini (SVD) congregation, ang posisyon ay bakante nang ng walong buwan.

Kasalukuyang rektor ng Divine Word Seminary sa Tagaytay City at provincial admonitor ng SVD Philippine Central Province ang bagong obispo .

Ipinanganak sa Claveria, Cagayan, si Agcaracar ay unang naging guro habang naglilingkod bilang isang katekista sa kanyang parokyang St. Joseph.

Pumasok siya sa Society of the Divine Word seminary at nag-aral ng pilosopiya sa Christ the King Seminary sa Quezon City, at teolohiya sa Divine Word School of Theology sa Tagaytay.

Naordinasyon noong 2007, si Agcaracar ay nagsilbi bilang high school director sa Divine Word College of Calapan sa Oriental Mindoro.

May doctorate  siya sa missiology mula sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

Siya rin ang tagapagtatag at executive director ng SVD Laudato Si’ Farm sa Tagaytay.

Hindi pa itinakda ang petsa ng kanyang episcopal ordination at installation.

May dalawang diyosesis ang Nueva Ecija – Cabanatuan at San Jose – na nangangasiwa sa mga parokya sa hilagang bahagi ng lalawigan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here