Home NATIONWIDE Makabayan hinamon ng NTF-ELCAC: Reported NPA killings sa Negros kondenahin

Makabayan hinamon ng NTF-ELCAC: Reported NPA killings sa Negros kondenahin

299
0

Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) ang Makabayan bloc na tulig­sain ang umano’y pamamaslang ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) sa Negros Island at sa iba pang bahagi ng bansa.

Kasunod ito ng pag-ako ng NPA Romeo Nanta Command (RNC) sa pagpatay kina Raul Loterio at Jomy Pelarta, na parehong inakusahang “intelligence asset” ng 94th Infantry Battalion.

Sa pahayag noong Nobyembre 15, sinabi ng RNC-NPA na napatay nila si Loterio noong Nobyembre 13 sa Sitio Cabeti, Barangay Santol, Binalbagan.

Sa hiwalay na pahayag noong Nobyembre 9, kinumpirma rin ng grupo ang pagpatay kay Pelarta noong Nobyembre 6 sa Barangay Carabalan, Himamaylan City.

Kinondena ng task force ang mga tinawag nitong “spy-tagging” killings, na anila’y ginagamit para manahimik ang mga residente at mapanatili ang impluwensya ng rebeldeng grupo sa mga komunidad.

“The Task Force dares the Makabayan bloc and enablers of the false national democratic revolution … to denounce the CPP-NPA’s killings in Negros and across the country,” ayon sa pahayag ng NTF-Elcac.

Dagdag pa ng task force, ang umano’y pag-aatubili ng Makabayan na kondenahin ang pamamaslang sa mga magsasaka, barangay official at katutubong komunidad ay nagpapakita ng “hypocrisy behind their constant calls for justice and human rights.”

Mariing itinanggi ng Makabayan bloc ang anumang ugnayan sa CPP-NPA, sa gitna ng mga naunang akusasyon ng task force na nagsisilbi itong “political front” ng armadong kilusan.

Iginiit nito sa isang reklamo sa Comelec na si NTF-Elcac Executive Director Ernesto Torres Jr. ay “nagpapakalat ng disinformation at fake news.”

Giit naman ni Torres, “the task force is not in the business of fabricating allegations.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here