MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa nationwide total ban sa vape products.
Sa kalatas nitong Sabado, Nobyembre 22, nagbabala ang DOH na ang vape ay may banta sa kalusugan at sinabing ang vapor at device nito ay naglalaman ng mapanganib na kemikal na maaaring magdulot ng cardiovascular disease, cancer, at lung illnesses.
“Madalas na sinasabing walang nikotina at puwedeng alternatibo sa sigarilyo ang vape, pero puno ng kemikal at mapanganib ang usok at ang mismong aparato ng vape.”
Nagpahayag din ng pangamba ang ahensya sa variety ng mga flavor at makukulay na packaging ng vape products na madali umanong makahihikayat ng mga menor de edad.
Sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, sinabi ng DOH na pito sa 10 kabataang Pinoy edad 13 hanggang 15 taon ang gumagamit ng vape products. RNT/JGC