Home ENTERTAINMENT Anjo, ibinulgar kung bakit asar kay Tito Sen!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Anjo, ibinulgar kung bakit asar kay Tito Sen!November 23, 2025 07:452840 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kung si Anjo Yllana ang tatanungin, may pinanggagalingan ang pagkainis niya kay Senator Tito Sotto.Sa kanyang TikTok, binalikan ni Anjo ang kauna-unahang pagkakataong nadismaya siya sa itinuring pa mandin niyang pamilya.Ito raw ‘yung ipina-Tulfo In Action siya at ang kanyang kapatid ng ilang mag-aaral mula sa isang paaralan sa Lucena City.Nilinaw niya na sinamahan lang niya ang kapatid na siyang inirereklamo.Pero wala naman daw dapat ireklamo sa paaralan dahil ligal ang mga papeles nito.Ang siste, mas kinampihan pa raw ni Tito Sen si Tulfo.Mabuti pa raw ang boss niilang si Mr. Tony Tuviera na nagpakita ng malasakit sa kanya.That time, co-host pa si Anjo ng Eat Bulaga.Masama rin ang loob ni Anjo kay Raffy Tulfo sa pag-aakalang scammer siya.Feeling ni Anjo, ‘yun daw ang dahilan kung bakit iniwasan na siya ni Tito Sen dahil ayaw nitong ma-identify sa scammer.Nagbanta pa si Anjo na marami pa siyang ibubulgar laban sa mambabatas.“Abangan n’yo na lang ang susunod na kabanata. Marami ho ‘yan!” banta ni Anjo sa kanyang TikTok accountAkala ba nami’y nakipagkasundo na si Anjo sa “ceasefire” –ano naman ang ipinagpuputok ng butse niya? Ronnie Carrasco III