Home ENTERTAINMENT Jerald at Kim, pinaplano na ang kasal, wala pang budget!

Jerald at Kim, pinaplano na ang kasal, wala pang budget!

269
0

Manila, Philippines – Not anytime soon.

Ito ang tiniyak ni Jerald Napoles nang tanungin kung may petsa na ba ang kasal nila ni Kim Molina.

Hangga’t maaari raw ay location wedding ang gusto ng couple.

Sa ngayon, nasa proseso lang sila ng pagpeprepara sa entourage.

Sa side ni Jerald manggagaling ang best man na matalik niyang kaibigan.

Karay din niya ang aniya’y super ka-close niyang si Ruru Madrid.

Nasabihan na rin daw ni Jerald ang nobya nitong si Bianca Umali, but he has yet to talk to Ruru personally: “Madali namang kaladkarin ‘yon, eh!”

Sa hanay ng mas senior kay Ruru, the comedian is eyeing three of the country’s top leading men.

Ito’y sina Piolo Pascual, Alden Richards at Dennis Trillo.

Aniya: “Hindi pa nila alam pero baka naman….”

Strangely, wala daw silang budget pa ni Kim.

Depende raw kasi sa guest list ‘yon: “Pag dumami ang imbitahan namin, lalaki ang budget!”

Wala pa mang fixed date ang araw ng kanilang pag-lisang-dibdib. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here