MANILA, Philippines – Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanila.
Sa ulat, pinangunahan ng NBI-Technical Information Division ang pagsisilbi ng arrest warrant kung saan naabutan si Engr.Dennis Abagon sa isang bahay Quezon City.
Napag-alaman na si Abangon ay nagsisilbi ring Officer In Charge sa ibat-ibang dibisyon ng DPWH Mimaropa.
Nagpapatuloy naman ang pag-a-account at pag-imbentaryo ng mga gamit.
Ayon sa NBI, si Abagon ay kanilang sa mga inisyuhan ng warrant of arrest ng Sandiganbayan kaugnay sa reklong malversation of public fund. Jocelyn Tabangcura-Domenden