Home NATIONWIDE Lalaking dayo sa Ilocos Sur, utas sa suwag ng bus

Lalaking dayo sa Ilocos Sur, utas sa suwag ng bus

235
0

ILOCOS SUR- Kamatayan ang sinapit ng isang 53-anyos na lalaking dayo sa lalawigang ito matapos mabangga ng isang pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Brgy. Magsaysay District, sa bayan ng Santa nitong Sabado, Nobyembre 22.

Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng Yamaha NMAX 155 motorcycle ay residente ng Novaliches, Quezon City samantalang ang 27-anyos na driver naman ng bus ay residente ng Cagayan.

Nabatid na bumibiyahe ang motorsiklo papuntang timog samantalang bumibiyahe naman ang bus papuntang hilaga.

Pagdating sa pakurbang parte ng kalsada, nasakop umano ng bus ang linya ng motorsiklo na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Dahil dito, nagtamo ng mga fatal injury ang driver ng mortosiklo.

Isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng bus at mga pasahero nito. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here