Home NATIONWIDE Kelot butas leeg sa lalaking nakaalitan

Kelot butas leeg sa lalaking nakaalitan

209
0

ILOCOS SUR- Isinugod sa ospital ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin sa leeg sa bayan ng Magsingal ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang pintor, may asawa, residente ng naturang bayan.

Arestado naman ang 35-anyos na suspek, kalugar ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima kasama ang dalawang iba pa ay pumunta sa sari- sari store sa kanilang lugar.

Sinundan umano sila ng suspek at saka nito binaril sa leeg ang biktima gamit ang cal .32 pistol.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang tunay na motibo sa krimen. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here