Home NATIONWIDE DOJ nanindigan na walang political persecution sa pagpapauwi kay Roque sa bansa

DOJ nanindigan na walang political persecution sa pagpapauwi kay Roque sa bansa

265
0

MANILA, Philippines – Walang batayan si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na gamitin ang prinsipyo ng international law na nagbabawal sa paglipat ng mga indibidwal, ayon kay Department of Justice spokesperson Polo Martinez.

Ang prinsipyo ng non-refoulement, ayon sa OHCHR (Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights), “nagbabawal sa mga estado na ilipat o alisin ang mga indibidwal mula sa kanilang jurisdiction o epektibong kontrol kapag may mga makatwirang batayan para maniwala na ang tao ay nasa panganib sa kanilang pagbabalik, kabilang ang pag-uusig, torture, malupit na pagtrato o iba pang malubhang paglabag sa karapatang pantao.”

Sinabi ni Martinez na ang prinsipyo ay ipinapalagay na ang isang indibidwal ay politically persecuted na ayon sa kanya ay hindi applicable kay Roque.

Aniya, walang political persecution na nangyayari dahil sa katunayan kinakausap siya para sa mga krimen na umano’y ginawa niya. Obligasyon niyang sagutin ang mga kasong ito.

Ito ay matapos sabihin ni Roque noong weekend na protektado siya ng “prinsipyo ng non-refoulement” dahil sa kanyang aplikasyon para sa asylum sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ni Roque na ang red notice na inilabas ng International Criminal Police Organization ay hindi “naoverride ang mga obligasyon ng receiving state sa ilalim ng batas ng refugee at asylum.”

Si Roque ay may kasong qualified human trafficking kaugnay sa Lucky South 99 POGO firm sa harap ng Angeles, Pampanga Regional Trial Court (RTC).

Sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na humingi ang gobyerno ng Pilipinas sa Interpol na maglabas ng red notice laban kay Roque.

Samantala, hinikayat ni Martinez ang lahat ng mga akusado na may mga kasong nakabinbin o may mga warrant of arrest na harapin ang mga kaso.

Kinansela ng Pasig RTC ang pasaporte ni Roque at ni Lucky South 99 representative na si Cassandra Li Ong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here