Home METRO Ex-pulis, barker timbog sa P900K shabu sa Nueva Ecija

Ex-pulis, barker timbog sa P900K shabu sa Nueva Ecija

313
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P900,000 halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Nueva Ecija.

Ang mga target ay ang dating pulis at isang barker na naaresto sa magkahiwalay na operasyon noong Nobyembre 18, 2025.

Naganap ang unang operasyon sa Zone 5, Barangay Sto. Tomas, San Jose City, kung saan naaresto ng mga awtoridad ang 43-anyos na barker mula Pasay City.

Narekober sa kanya ang anim na sachet ng shabu na tumitimbang ng 57.66 gramo at nagkakahalaga ng P382,088 kasama ang P1,500 na marked money.

Arestado naman sa Barangay Rizal, Santa Rosa, ang 44-anyos na dating pulis na itinuturing na high-value target.

Nakuha naman mula sa kanya ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000 kasama ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Naka-detain ang mga suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa illegal na droga. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here