Home NATIONWIDE Kotse sumalpok sa likod ng truck, sakay patay

Kotse sumalpok sa likod ng truck, sakay patay

297
0

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isa sa apat na pasahero ng isang kotse matapos sumalpok sa likuran ng isang truck habang bumibiyahe sa Maharlika Highway sa Barangay Concepcion, Cabanatuan City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na biktima na si Xander Tulop y Ocoy, 25, binata ng ng Brgy. San Bartolome, San Leonardo, Nueva Ecija. Siya ay nakasakay sa passenger side ng unahan ng kotse.

Huli namang iniulat na nasa kritikal ang 25-anyos na driver ng kotse habang sugatan ang tatlong iba pa na nasa edad 21, 25 at 26 na patuloy na ginagamot sa ospital dahil sa mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay P/Lt.Col. Renato C. Korales, hepe ng Cabanatuan City Police, nangyari ang insidente bandang 3:30 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Traffic Management Office ng Cabanatuan City Police Station, pauwi na ang mga biktima sa bayan ng San Leonardo nang biglang sumalpok ang sinasakyang kotse sa likuran ng sinusundang trailer truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harap ng kotse na sinasakyan ng mga biktima.

Tila wala namang nangyari sa likurang bahagi ng truck dahil sa laki ng mga bakal sa likuran at bigat ng karga nito.

Wala pang pahayag ang mga kaanak biktima na hindi na rin magsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to properties laban sa driver ng kotse.

Pinigil ngunit pinakawalan din ng mga awtoridad ang driver ng trailer truck (NDM7960) dahil wala namang naisampang kaso laban sa kanya.

Ayon sa ilang saksi, matulin ang takbo ng kotse at makikita naman ito sa labis na pagkawasak ng sasakyan. MARINA BERNARDINO-SY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here