MANILA, Philippines – Nais ng Department of Transportation (DOTr) na ilipat ang 178 pamilya upang bigyang-daan ang konstruksyon ng MInadanao Railway project.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na sinimulan na nito ang right-of-way acquisition para maitayo nito ang riles sa lalong madaling panahon
Sinabi ng DOTr na naglaan sila ng P148 milyon para sa reloaksyon, kung saan ang unang batch ng 96 na pamilya ay lumipat sa train village sa unang quarter sa susunod na taon.
Ang bahagi ng Tagum-Davao-Digos ng Mindanao Railway Project ay tumatakbo ng 100 kilometro at magkakaroon ng 8 istasyon. Ito ay mag-uugnay sa lungsod ng Tagum sa Davao del Norte, Davao City at Digos City sa Davao del Sur.
Kapag nakumpleto, mapapaigsi ang oras ng paglalaakbay sa pagitan ng tagum at Digos mula sa tatlong oras sa isang oras na lamang na magdadala sa 122,000 pasahero kada araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden