Home NATIONWIDE 1 patay sa pag-araro ng dump truck sa mga sasakyan, motor sa...

1 patay sa pag-araro ng dump truck sa mga sasakyan, motor sa Antipolo

278
0

MANILA, Philippines – Isa ang patay matapos araruhin ng 10-wheeler truck ang ilang motorsiklo at sasakyan sa Sumulong Highway sa Barangay Dela Paz, Antipolo City nitong Martes ng umaga, Nobyembre 25.

Ayon sa ulat, idineklarang dead on arrival sa ospital ang isa sa mga biktima.

Isinagawa naman ang rescue at retrieval operations sa dalawa iba pang biktima na na-trap sa mga nasirang sasakyan.

Naipit naman sa upuan ang drayber ng truck habang pumailalim sa truck ang isang rider ng motorsiklo.

Mayroon nang dalawa iba pang biktima ang dinala sa ospital para gamutin.

Sa impormasyon, tatlong motorsiklo, dalawang kotse at dalawang trak ang sangkot sa karambola.

Nawalan umano ng preno ang isa sa mga truck habang binabagtas ang highway dahilan para mabangga nito ang mga motorsiklo at iba pang sasakyan bago tuluyang sumalpok sa isang poste. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here