Home NATIONWIDE Bangkay ng lalaking nawawala, naagnas nang natagpuan sa Cavite

Bangkay ng lalaking nawawala, naagnas nang natagpuan sa Cavite

352
0

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na dalawang araw nang iniulat na nawawala ang natagpuan naagnas at may tama ng bala makaraang nabaril nito ng isang welder sa loob ng isang pabrika sa Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si alyas Ryan, 32,, isang helper ng Brgy Gregorio, residente sa nasabing lugar.

Nasa kustodiya ng Trece Martires City Component City Police Station ang suspek na si alyas Edward, 47, isang Welder ng Brgy Conchu ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente noong November 22 bandang alas-9:30 ng gabi sa loob ng CavDeal Motorpool sa lugar kung saan ayon sa suspek ay naka-duty ito nang napansin ang isang lalaki na pagala-gala sa loob ng compound.

Dito kinausap umano ng suspek ang biktima subalit imbes na umalis ay tinutukan pa umano siya ng baril hanggang sa nakalabit nito ang baril na tumama sa biktima.

Bagama’t may tama ng bala ng baril ang biktima ay nagawa pa nitong tumakas habang ang suspek ay bumalik sa loob at itinapon ang baril na ginamit at ini-report ito sa naka-duty na guwardiya kaya binalikan nila ang pinangyarihan ng insidente subalit hindi nila nakita ang baril gayundin ang biktima kaya binalewala ito.

Makaraan ang dalawang araw, November 24, nakarinig ng kuwento ang suspek sa ka-trabaho niya hinggil sa isang nawawalang lalaki at pinaghahanap ito kaya ipinagtapat nito sa kanyang Superior at nagsumbong sa pulisya kung saan pinuntahan ang lugar kung saan natagpuang ang bangkay ng lalaki sa labas ng compound at naagnas na, dahilan upang arestuhin ang suspek.

Kinumpirma naman ni Mary Grace na ang natagpuang bangkay ay ang asawa nito na iniulat na nawawala. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here