MANILA, Philippines – Binuweltahan ni Presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos si dating Ako Bicol Rep Zaldy Co matapos isangkot ang una sa insertion sa budget, giit ng batang Marcos, hindi dapat paniwalaan si Co na isang kriminal na umiiwas sa hustisya.
Sa isang statement na ipinalabas ng Marcos sinabi nito na kahit sinuman ay maaaring humarap sa camera at magbato ng mga kasinungalingan.
“The statements from the newly crowned champion of the DDS cabal, former Congressman Zaldy Co, are frankly as fantastical as they are false. I hope that the public can be reminded that we are talking of a person with no credibility whose vested interests are to release these videos to destabilize the government. This is someone who our kababayan’s know to be the architect of this mess yet continues to insult their intelligence by saying ‘wala siyang nakuha,” nakasaad sa statement.
Sinabi ni Marcos na malinaw ang layunin ni Co sa kanyang ipinalalabas na serye na pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon para ma-abswelto siya sa kanyang mga krimen.
“Congress is a collegial body and decisions are made through a process of election. Zaldy Co was removed as appropriations chairman because members caught wind of his insatiable greed and corruption. Not because of the whim of any individual. The ‘sagasa’ that he orchestrated in certain districts such as Bulacan and other municipalities speak for themselves,” ani Marcos.
“Sa aking mga kababayan, si Zaldy Co ay hindi po isang journalist o truth crusader. Siya po ay isang kriminal na umiiwas sa hustisya. Huwag po tayong magpabudol sa kanya. Hindi ito rebelasyon, ito ay destabilisasyon,” dagdag pa nito.
Sa kanyang bagong ipinalabas na video, inakusahan ni Co si Marcos na nasa likod ng mga maanomalyang budget insertions.
Nasa P9.636 billion halaga ng insertion noong 2023, P20.174 billion noong 2024 at P21.127 billion sa 2025.
“Lahat-lahat, ang kabuuan ay P50.938 billion. At bawat taon po, sa tuwing dumarating ang bicam budget process, lagi pong may utos si Congressman Sandro na ipasok ang mga proyekto niya,” pag-akusa ni Co.
“Nalaman ko na lang sa mga contractor na galit na galit siya sa akin noong pinag-uusapan na ang 2025 GAA budget. Ang sabi daw niya, ipatatanggal ako at magfa-file ng maraming kaso laban sa akin, kasi kulang ng P8 billion ‘yung insertion na gusto niyang ipasok. Ang dahilan daw, may mga contractor na nakapag-advance na sa kanya at dahil hindi naipasok ang buong halaga, kailangan daw niyang magsauli sa mga ‘yon,” giit pa nito.
Matatandaan na sina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ay una na ding isinangkot ni Co na nasa likod ng budget insertions. Gail Mendoza