MANILA, Philippines – Wala pa ring opisyal na impormasyon ang Department of Justice sa arrest warrant laban kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Matatandaan na iniulat ni Ombudsman Crispin ‘Boying’ Remulla na naglabas na ang Interntaional Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa senador kaugnay sa war on drugs sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Iginiit ni Acting Justice Secretary Frederrick Vida na wala pang update ang justice department tungkol sa nasabing warrant of arrest.
Samantala, sinabi ng DOJ na natanggap na nila ang notice mula sa Supreme Court upang makapagsumite ng komento kaugnay sa ibinasurang petisyon ni dela Rosa, na naglalayong obligahin ang Ombudsman na ilabas ang arrest warrant ng ICC laban sa senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden