MANILA, Philippines – Inilikas ng Philippine Coast Gurad (PCG) ang mga residente na na-trap sa kanilang tahanan dahi sa mabilis na pagtaas ng tubig baha bunsod ng umiiral na sama ng panahon dulot ng Tropical Depression Verbena sa Bacolod City.
Inuna ng rescue team ng PCG ang kaligtasan at seguridad ng mga sanggol at senior citizen ng Barangay Banago.
Inalalayan din ng PCG ang mga residente sa Barangay Mandalagan na nakaranas din ng abot-binting baha upang makatulong sa paglikas sa mga apektado ng matinding pagbaha.
Nagpapatuloy ang monitoring ng PCG sa lagay ng panahon at sa epekto ng bagyo sa ibat-ibang lugar sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden