MANILA, Philippines – Binatikos ni Bise Presidente Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes, at inirekomenda niyang itigil ang “gaslighting” sa pamilya at kaibigan matapos ang pahayag nito tungkol kay Senador Imee Marcos, na inakusahan siya ng paggamit ng droga.
Aniya, “fits the profile of a drug addict” ang ganitong asal at hinamon ang Pangulo na magpa-drug test kung ipapayo ng publiko.
“Huwag siya mag-alala… Sasamahan ko siya. Sigurado akong magpapadrug test din si Senator Imee,” dagdag niya.
Pinasaringan din ni Duterte ang Pangulo sa umano’y budget insertions: “Accountable siya because he allowed the insertions. So that is a culpable violation of the institution.”
Binigyang-diin niya na ang pagpayag sa International Criminal Court na pumasok sa bansa nang hindi sumusunod sa tamang proseso ay paglabag sa Konstitusyon, at ang pagtanggi sa drug test ay “betrayal of public trust.”
Tungkol sa kanyang kahandaan na pamunuan ang bansa kung kinakailangan, sinabi ni Duterte, “There is no question about my readiness. I presented myself to you… with the understanding that I am the first in line in succession.” Santi Celario