Home HOME BANNER STORY 70% ng buwis mula sa LOA ng BIR, kinokorap – Ejercito

70% ng buwis mula sa LOA ng BIR, kinokorap – Ejercito

247
0

MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na humigit-kumulang 70% ng buwis na nakokolekta sa ilalim ng BIR letters of authority (LOA) ay napupunta sa katiwalian, at 30% lamang ang pumapasok sa gobyerno.

Aniya, sangkot dito ang mga BIR revenue officer at regional director, at matagal na itong problema na nakaapekto sa lokal at dayuhang negosyo.

Ang inaasahang koleksyon na P6–8 bilyon ay umabot lamang sa P2–3 bilyon dahil sa kickbacks.

(c) Cesar Morales

Suportado ni Ejercito ang isang imbestigasyon ng Senado, at maaari ring imbitahan si dating BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr.

Para ipaliwanag ang kanyang aksyon o kakulangan nito. Pinuri rin niya ang bagong BIR Commissioner Charlito Mendoza sa pagsususpinde ng LOA at nanawagan ng malinaw at consistent na polisiya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here