Home NATIONWIDE 2 nawawala sa hagupit ni Verbena — NDRRMC

2 nawawala sa hagupit ni Verbena — NDRRMC

258
0

MANILA, Philippines – Dalawang tao sa Negros Island Region ang naiulat na nawawala dahil sa epekto ng Tropical Storm Verbena at shear line, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules. Walang naiulat na namatay o nasaktan.

Umabot sa 275,458 katao (78,736 pamilya) ang naapektuhan sa Mimaropa, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, at Caraga, kung saan Negros Island Region ang may pinakamataas na bilang na 169,133.

Sa bilang na ito, 48,450 katao (14,238 pamilya) ang nasa evacuation centers, habang 34,377 (8,087 pamilya) ay nagkubli sa iba pang lugar. Naiulat ang pagbaha, landslide, at pinsala sa 95 bahay.

Nanatiling hindi madaanan ang ilang kalsada at tulay, at may patuloy na pagkawala ng kuryente at komunikasyon sa ilang lugar. Isinuspinde ang operasyon sa 73 sa 79 apektadong pantalan, na nag-iwan ng 3,727 pasahero, 1,132 rolling cargo, 124 barko, at 34 motorbanca na stranded.

Sinuspinde rin ang klase sa 404 lugar at trabaho sa 54 lugar. Nakapagbigay na ang NDRRMC ng tulong na nagkakahalaga ng P304,010 sa mga naapektuhan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here