Home ENTERTAINMENT Loisa at Ronnie, engaged na!

Loisa at Ronnie, engaged na!

332
0

Manila, Philippines – Ang long-time na magkasintahang Loisa Andallo at Ronnie Alonte ay engaged na.

Sa kanyang Instagram nitong nakaraan, mapapansin ang suot na diamond ring ni Loisa sa larawang kuha siya kasama ang kanyang pet dog na si Mikee.

Bumaha naman ng congratulatory messages ang naturang post, isa na doon ay mula kay Alexa Ilacad. Nagtawid din ng kanilang pagbati sina Vina Morales, Jackie Gonzaga, at Heaven Peralejo.

May be an image of dog

Unang nagkakilala sina Loisa at Ronnie sa teen series na Luv U ng ABS-CBN noong 2014. Naging official couple sila noong August 2016.

‘Di naglaon, lalong naging malalim ang kanilang pagkakaibigan sa It’s Showtime noong maging bahagi si Loisa ng Girl Trends, habang si Ronnie naman ay kabilang sa Hashtags.

Noong December 2018, isapubliko nila ang kanilang relasyon sa guesting nila sa Gandang Gabi, Vice! at Tonight with Boy Abunda.

At presstime, Loisa at Ronnie ay hindi pa nag-aanunsyo ng kanilang wedding plans.

Congrats and best wishes in advance!

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here