Home ENTERTAINMENT Anjo, alam na ang legal na hakbang ng EB, nagsisisi na!

Anjo, alam na ang legal na hakbang ng EB, nagsisisi na!

303
0

Manila, Philippines – Mahinahon pero aminado si Anjo Yllana na nagsisisi siya sa kanyang mga sinabi laban sa Eat Bulaga at sa mga hosts nito.

Ito ang buod ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Ayon kay Anjo, na-carried away o nadala lang daw siya ng kanyang emosyon. Nito na lang daw niya napagtanto na nakakasakit na siya ng damdamin—bagay na hindi niya katangian.

Ikinatwiran din niya na bago pa lang siya nagti-TikTok—ang outlet kung saan inilalabas niya ang lahat ng kanyang saloobin.

“Ang pangit lang daw sa ginagawa ko, binubuhay ko ang matagal nang nananahimik na isyu. Ang nagpapalakas ng loob ko kasi ay mga mismong live bashers na nakatutok sa akin—to the point of provoking me,” ani Anjo.

Itinanggi naman ni Anjo na may mga taong nasa likod ng kanyang paninira laban sa Eat Bulaga. May namuong impresyon kasi na “bayad” siya, or he’s getting paid to discredit the program as well as those who are part of it.

Inamin din ni Anjo na aware siya sa balitang sasampahan siya ng kaukulang kaso ng EB dahil sa kanyang ginagawa.

“Aware ako du’n at naiintindihan ko naman sila. Okey lang naman sa akin, basta itigil na rin nila ang pagtira nila sa akin!” ani Anjo.

Mas marami naman sa comment section ang hindi sang-ayon sa paliwanag ni Anjo para ipaliwanag ang kanyang sentiments toward EB.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here