MANILA, Philippines – Maaaring magpatuloy ang pagbebenta ng units sa Monterrazas de Cebu kahit isinasagawa ang imbestigasyon sa pagsunod nito sa mga batas pangkapaligiran, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Miyerkules.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, budget sponsor ng DHSUD, nananatiling valid ang certificate of registration (CR) ng proyekto dahil wala pang opisyal na komunikasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) o lokal na pamahalaan hinggil sa mga paglabag.
“Meaning, they can still sell their units and their products, Mr. President,” ani Gatchalian. Dagdag niya, maaapektuhan ang CR kung ire-revoke ang ECC o kakanselahin ang mga building permit.
Inihayag ng DENR na nasagasaan ng Monterrazas ang sampu sa 33 Environmental Compliance Certificates (ECCs), nabigong kumuha ng discharge permit alinsunod sa Clean Water Act, at nabawasan ang higit 700 puno noong 2022 sa 11 lamang. Ayon sa ahensya, hindi rin sapat ang retention pond at iba pang pasilidad para sa ulan.
Iginiit ng Mont Property Group, developer ng proyekto, na sumunod sila sa ECC at development permit, at tinawag ang pahayag ng DENR na “premature” at ang alegasyon ng pagputol ng puno na “grievously false.” Santi Celario