DAVAO DEL SUR — Nag-alok ang awtoridad ng kabuuang ₱2 milyon para sa impormasyon na maghahatid sa pag-aresto ng mga responsable sa pagpatay kay Barangay Tres de Mayo Captain Oscar “Dodong” Bucol Jr. sa Lungsod ng Digos.
Ayon kay Police Captain Sheila May Pansoy, ₱1 milyon ang nagmula kay Vice President Sara Duterte, habang naglaan si Governor Yvonne Cagas ng ₱500,000 para sa impormasyon ukol sa gunman at ₱500,000 pa para sa mastermind.
“P1 million, VP Sara. P500,000 from governor for gunman. P500,000 from governor for mastermind,” ani Pansoy.
Napatay si Bucol bandang alas-9 ng gabi noong Nob. 25 sa loob ng kanyang garahe habang nagla-live sa Facebook.
Nakuhanan sa livestream ang bahagi ng insidente.
Ayon sa pulisya, nakilala na ang mga posibleng persons of interest base sa mga nabanggit ng biktima sa kanyang mga nakaraang post sa social media. Santi Celario