MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magpo-protesta sa Nob. 30 sa Luneta Park laban sa pagsusuot ng balaclava o iba pang face coverings na ipinagbawal sa ilalim ng Manila Ordinance No. 9134.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, maaaring tanggihan ang mga susunod na aplikasyon para sa rally permit kung lalabag sa ordinansa.
“Kapag ito po ay nakita nila na may paglabag sa MOU, na halimbawa, yung sa balaclava o pagtatakip ng mukha, ito ay magiging reason para sa mga future ng mga applications po nila para po hindi na ma-aprubahan yung mga grupo na lalabag po dito,” ani Tuaño.
Ipinagbabawal ng ordinansa ang balaclava, face masks (maliban sa pangkalusugan), hoodies na nakatakip ang mukha, at anumang headgear na nagtatago ng pagkakakilanlan sa loob ng commercial at government buildings, pati na rin sa motorsiklo.
Ang parusa ay ₱1,000 sa unang paglabag, hanggang ₱5,000, 15 araw pagkakakulong, at posibleng pagkakansela ng lisensya sa ikatlo at susunod pang paglabag. Santi Celario