Home NATIONWIDE Pasaporte ko nasa Dutch authorities na, Marso 2024 pa – Roque

Pasaporte ko nasa Dutch authorities na, Marso 2024 pa – Roque

226
0
(Cesar Morales | Remate File Photo)

MANILA, Philippines — Sinabi ni dating Palace spokesperson Harry Roque na wala na siya sa kanyang passport matapos itong isuko sa Dutch authorities noong Marso 2024 nang siya’y mag-apply ng asylum.

Inihayag niya ito kasabay ng pagkakansela ng kanyang passport ng Department of Foreign Affairs (DFA) batay sa utos ng Pasig City court kaugnay sa kasong qualified human trafficking.

“Unang-una, I surrendered my passport when I applied for asylum in March 19 of 2024. So hawak ng Dutch ang aking passport,” ani Roque.

Dagdag pa niya, walang epekto sa kanyang aplikasyon ng asylum ang pagkakansela ng passport.

“Ang talagang implication lang yan na wala akong passport, tututok na kasi sila, is that I cannot leave Europe. At hindi ako meanwhile makakapunta sa ibang lugar outside of Europe,” ani Roque.

Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng EU Dublin Regulation, Austria – na nagbigay ng kanyang Schengen visa – ang may responsibilidad sa kanyang asylum petition kahit nananatili siya sa Netherlands.

Itinanggi rin ni Roque ang ulat ng kanyang pag-aresto sa Netherlands at sinabi na naantala ang planong paglilipat sa Austria dahil sa kanyang mga kamakailang medikal na operasyon.

Humiling ang gobyernong Pilipino ng Interpol red notice para kay Roque at iba pang akusado na may kaugnayan sa Lucky South 99, ngunit iginiit ng Department of Justice na hindi nila pakikialaman ang proseso ng asylum sa Europa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here