CALOOCAN CITY — Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada sa Sabado, Nob. 29, para sa pagdiriwang ng ika-162 kaarawan ng pambansang bayani na si Andres Bonifacio.
Apektado mula alas-11 ng gabi ang mga pangunahing kalsadang 10th Avenue (mula Rizal Avenue hanggang Monumento Circle), EDSA southbound (B. Serrano hanggang Monumento), Samson Road (Dagohoy hanggang Monumento Circle), at MacArthur Highway southbound (Pinagtipunan hanggang Monumento).
May mga alternatibong ruta para sa mga motorista, at inaasahang muling bubuksan ang lahat ng kalsada pagsapit ng alas-12 ng tanghali ng Linggo, Nob. 30.
Hinimok ng mga opisyal ng lungsod ang publiko na planuhin ang kanilang biyahe at nagpasalamat sa pasensya at kooperasyon ng mga motorista. Dave Baluyot