MANILA, Philippines — Patay ang isang 13-anyos na lalaki matapos siyang masagasaan ng 10-wheeler truck sa Tondo, Manila, nitong Martes, Nob. 25.
Ayon sa pulisya, naglalaro ang bata kasama ang mga kaibigan habang tumatawid sa kalsada.
Huminto pansamantala ang drayber ng truck upang lagyan ng tubig ang radiator at hindi niya nakita ang bata sa ilalim ng sasakyan nang muling uminit ang makina.
Agad na idineklarang patay ang bata sa lugar ng aksidente.
Nasa kustodiya ng pulis ang drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden