Home NATIONWIDE PBBM bumisita sa Corazon Aquino General Hospital; P15-M dagdag suporta, ipinagkaloob

PBBM bumisita sa Corazon Aquino General Hospital; P15-M dagdag suporta, ipinagkaloob

284
0

MANILA, Philippines – Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang President Corazon Aquino General Hospital sa Baseco, Lungsod ng Maynila.

Ang pagbisita ay ginawa ng Chief Executive sa harap ng pinalakas ng administrasyong Marcos na health care system ng bansa.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ang lahat ng suporta ay gagawin ng pamahalaan upang maihatid ang serbisyong medikal para sa mamamayan.

Kitang-kita naman ang kasiyahan sa Pangulo sa ginawang pagbisita sa President Corazon Aquino General Hospital sa Baseco na ayon sa kanya ay labis siyang napabilib.

Dahil dito ay inanunsiyo ng Pangulo ang P15 milyong pisong dagdag suporta para sa nabanggit na pagamutan na mula sa Office of the President. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here