MANILA, Philippines – Nagpasaklolo ang Department of Justice (DOJ) sa mga mamahayag na ipaalam sa publiko ang proseso o legal na hakbang sa pagsisilbi ng warrant of arrest.
Kasabay ito ng paglilinaw ni Justice Acting Sec. Fredderick Vida sa nangyayari g pagsisilbi ng arrest warrant sa bahay ni dating Rep. Zaldy Co kahit batid ng publiko na wala ito sa bansa.
Paliwanag ni Vida, walang mali sa ginawa ng mga awtoridad sa pagsilbi ng arrest warrant kahit wala ito sa bansa, dahil kailangan aniyang ibalik ng pulis ang naturang warrant sa korte depende sa resulta ng pagsisilbi nito.
Ayon pa kay Vida, kung naaresto ang isang akusado– kailangan itong ibalik sa Korte para usigin at kung ibalik sa korte para usigin at kung bigo naman, gaya na lamang ng nangyari kay Co na ituturing na itong pugante.
Kailangan din aniya ang naturang hakbang ng iba pang ahensya ng pamahalaan para maisagawa ang ilan pang mga legal na proseso gaya ng pag kansela ng passport.
Nilinaw din ni Vida ang kalituhan ng publiko hinggil sa hold departure order at Immigration Look Out Bulletin Order kung saan umani rin ng batikos ang pamahalaan dahil sa pag kwestyon ng publiko sa pagpapalabas sa bansa sa ilang sangkot sa flood control project kahit pa may ILBO na ang mga ito.
Ang ILBO aniya ay isang paraan lang para macheck kung maari na bang lumabas ng bansa ang isang indibidwal at iba ito sa HOLD DEPARTURE ORDER na siyang may kakayahan na pigilan ang isang tao na lumabas ng bansa… at kinakailangan din aniya nito ng court order.
Panawagan ni Vida sa mga mamahayag, na iparating sa publiko ang nabanggit na proseso para maiwasan ang mga malinh espekulasyon sa social media. Jocelyn Tabangcura-Domenden